Inanunsyo ng Philippine Ports Authority o PPA ang pag-apruba sa 16% na taas-singil sa cargo handling tariffs sa Port of Batangas.
Gagawin ito sa dalawang yugto, ayon sa inilabas na PPA Memorandum Circular 013-2025.

Ang unang dagdag-singil na 10% ay ipatutupad hindi mas maaga sa July 1, 2025, habang ang ikalawang dagdag na 6% ay inaasahang ipatutupad hindi mas maaga sa January 1, 2026.
Sasaklawin nito ang parehong Phase 1 at Phase 2 terminal operations sa ilalim ng Asian Terminals Inc. at ATI Batangas Inc., at maaapektuhan ang lahat ng cargo owners, brokers, shipping lines, at port users.
Layunin ng dagdag-singil na ito na masuportahan ang operasyon at mapabuti pa ang serbisyo ng isa sa pinakamalaking logistics hub sa bansa.
Ang ATI Batangas Inc. ang nananatiling tanging cargo handling contractor sa nasabing pantalan hanggang taong 2035. | BChannel NEWS