Opisyal nang binuksan ngayong araw ang Ventures Hub sa loob ng KIST Park ng Batangas State University – The National Engineering University (BatStateU The NEU) sa Alangilan Campus, Batangas City.
Ang Ventures Hub ay isang modernong pasilidad na tutulong sa mga tech-based startups sa pamamagitan ng incubation programs, co-creation projects, market access, at pakikipag-collab sa top-tier talents ng unibersidad.
Ayon kay University President Dr. Tirso Ronquillo, ang hub ay magiging “living laboratory” para sa mga estudyanteng kumukuha ng tech entrepreneurship.
“They can now experience real-world product development — from ideation to design hanggang sa paggawa mismo ng produkto, kasama ang industry locators,” ani Dr. Ronquillo.
Dagdag pa niya, prayoridad sa Ventures Hub ang mga kumpanyang nasa larangan ng: Semiconductor electronics, Biotechnology, Cybersecurity, Artificial Intelligence (AI), at Internet of Things (IoT).
“So those are some of the many areas that we will be doing here. So meaning to say, the locators under those areas can be given a space here in our, I must say, it’s not too big a space,” paliwanag ni Dr. Ronquillo.
“That’s why we are getting selective on who must be given a space. So if, as I have mentioned, you don’t have or you cannot propose any knowledge creation, any activity with us, then we cannot prioritize your application for a space,” dagdag pa nito.
Pagdating naman sa long-term vision ng BatStateU para sa KIST Park: “We aim to translate knowledge into technology — gamit ang talento ng ating mga estudyante at lakas ng siyensya at inobasyon. Sa Ventures Hub, they can pilot their ideas into real tech solutions na posibleng ma-mass produce in the future,” dagdag pa ng university president.
Ang BatStateU KIST Park ang kauna-unahang PEZA-registered Knowledge, Innovation, and Science and Technology (KIST) Park sa bansa, na nagbibigay ng tax incentives at business-friendly services sa mga industry partners. | BChannel NEWS