Patay ang isang suspek habang arestado ang kasama nito matapos makipagbarilan sa mga sundalo ng Marine Battalion Landing Team-5 sa Dona Blanca Street, Brgy. Poblacion 4, Cotabato City.
Alas-8 ng gabi, June 18, agad rumesponde ang Motorcycle Team ng MBLT-5 sa ulat ng pamamaril malapit sa kanilang kampo.
Pinara nila ang motorsiklong may dalawang sakay, pero biglang bumunot ng baril ang angkas at nagpaputok—kaya gumanti ang mga Marines.
Dead-on-the-spot ang suspek na si Homidie Salipudin. Arestado naman ang driver. Sugatan din sa insidente ang dalawang miyembro ng Barangay Peace Action Team.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para tukuyin ang posibleng kasabwat ng mga suspek. | BChannel NEWS