Inaasahang magiging negative ang net income ng PhilHealth ngayong taon, ayon mismo kay President and CEO Edwin Mercado.
Pero nilinaw niya—walang dapat ikabahala ang publiko. Ang dahilan? Ginagamit na raw nila ang surplus funds mula sa nakaraang taon para sa mas maayos na serbisyo sa mga miyembro.
Giit ni Mercado, “Ang isa pong social health insurance, dapat po hindi iniipon ‘yung pera, kundi po gamitin para sa benepisyo ng ating miyembro.”
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos at sinasabing bahagi ng best practices sa social health insurance.
Dagdag pa niya, 85 to 90% ng nakokolektang kontribusyon at subsidy mula sa gobyerno ay kailangang diretsong mapunta sa benepisyo ng mga miyembro.
Sa isyu naman ng P90 billion transfer case, sinabi ni Mercado na wala pa silang natatanggap na update mula sa Supreme Court, pero tiniyak na susunod sila sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema. | A.Simara, BChannel NEWS