Taas-noo at taas-kamay na tinawid ni Justine De Ocampo ng Pasay ang finish line bilang kampeon sa Tour de Balayan 2025 na inorganisa ng Patiki Club.
Sa ekslusibong panayam ng BChannel NEWS team, partikular na nahirapan siya sa ruta ng nasabing karera. Dumagdag din daw sa hirap ang maulang panahon na nagpadulas sa daan.
“’Yung strategy po namin, wala po kaming binago. Plan A lang talaga. Hindi na kami nag-Plan B kasi kaya naman dikitan ‘yung mga kalaban,” ani De Ocampo.
Aminado rin siyang hindi niya kinaya ang karera noong huling sali niya, kaya’t mas naging makabuluhan ang tagumpay ngayong taon.
Punong-puno ng pasasalamat si Justine sa kanyang team na EXODUS, sa kanyang inang laging nakaalalay, pati na rin sa kanyang girlfriend at anak na may kaarawan sa darating na July 3.
Pumangalawa sa kanya si Robin Bañados (1st runner-up), kasunod sina Dave Montemayor (2nd), Egiboy Santiago (3rd), at Marc Ryan Lago (4th). | BChannel NEWS | A.Simara