Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mas malalim na imbestigasyon sa kaso ng nawawalang mga sabungero na pinaniniwalaang patay na.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, gusto ng Pangulo na malaman kung sino ang mga sangkot para mapanagot at mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng biktima.
Sa ngayon, tuloy ang imbestigasyon ng Department of Justice, at tiwala ang Palasyo na mareresolba ang kaso ayon sa batas. | BChannel NEWS