Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang truck sa Brgy. Puting Bato East, Calaca City, Batangas bandang alas-8:50 ng umaga nitong July 20.
Ayon sa Calaca City Police Station, isang concerned citizen ang tumawag para i-report ang insidente. Sa paunang imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Erwin Orbe, kilala rin sa alyas na “Erwin.”
Natagpuan siya ng kanyang helper o checker na si Virgilio Ngo sa loob ng kanilang truck na naka-park lang sa regular nilang pwesto sa nasabing barangay.
Walang nakitang sugat o external injury sa katawan ng biktima, at patuloy pa rin ang imbestigasyon para alamin ang sanhi ng kanyang pagkamatay at iba pang posibleng detalye kaugnay ng insidente. | BChannel NEWS