Isang 38-anyos na lalaki ang sugatan matapos saksakin sa tiyan sa Sitio Tambo, Brgy. Bagong Silang, Calatagan, Batangas bandang alas-diyes ng gabi, July 21.
Ayon sa Calatagan Police, papauwi na sa barracks ang biktimang si Crisanto kasama ang kasamahang si Johnwill nang harangin sila ng suspek na si Juanito. Nagkaroon umano ng komprontasyon bago bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Crisanto.
Naunang nag-inuman ang biktima at mga ka-trabaho sa bahay ni Ariel, nang dumating si Juanito at akusahang may relasyon umano si Crisanto sa kanyang asawa. Lumipat ng puwesto ang grupo pero sinundan pa rin sila ng suspek.
Agad na naisugod ang biktima sa Calatagan Medicare Hospital habang tumakas ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon at pagtugis ng Calatagan MPS. | BChannel NEWS