Isang aksidente ang naganap sa kahabaan ng National Highway, Barangay Nueva, San Pedro City, Laguna nitong Miyerkules, kung saan isang crane hook ang tumama sa ulo ng biktima, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Ayon sa imbestigasyon, habang inaayos ng 26-anyos na helper na si Billyboy ang lifting belt ng crane na may plate number NAU 9898, biglang naputol ang kable ng crane.
Dahil dito, bumitaw ang hook mula sa crane at tumama ito sa ulo ng biktima.
Pinapatakbo ang crane ng 45-anyos na si Cesar Genavia Jr., isang crane operator mula Caloocan City.
Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang employer ng biktima at inabisuhan na ang pamilya ukol sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang aksidente. | BChannel NEWS