Humantong sa madugong krimen ang away ng mag-asawa matapos saksakin ng mister ang kaniyang misis sa Brgy. San Isidro, Calauan, Laguna nitong 4:00 AM, September 14.
Ayon sa imbestigasyon Calauan Police Station, narinig ng isang kapitbahay na si Bernard ang away ng mag-asawa at may tumatawag ng tulong. Nang dumating siya sa lugar, nakita niyang sinasaksak ng suspek ang kanyang misis na si Angie, 34 anyos, gamit ang kitchen knife.
Hindi na nito naagapan ang insidente, pero sinasabing nakapigil ang kanyang presensya sa suspek na pansamantalang huminto bago tumakas sa hindi pa matukoy na direksyon.
Agad na rumesponde ang Calauan MPS at sinimulan ang follow-up operations para maaresto ang suspek na si Sotero, 39 anyos, fishpond caretaker at residente rin ng Brgy. San Isidro.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso, kabilang ang crime scene processing at interviews sa ibang saksi gayundin ang posibleng motibo sa krimen. | BChannel News