Arestado ang isang street-level drug personality sa ikinasang buy-bust operation ng Sta. Teresita Municipal Police Station pasado alas-8:00 ng gabi, Setyembre 15, sa Brgy. Poblacion I.
Kinilala ang suspek na si “Arturo” na nahulihan ng dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na tatlong gramo at tinatayang nagkakahalaga ng dalawampu’t apat na libong piso.
Narekober din ang isang limandaang pisong marked money na ginamit sa operasyon.
Ayon sa pulisya, maayos ang koordinasyon sa PDEA at gumamit din ng alternative recording device para sa dokumentasyon ng operasyon.
Kasong may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa suspek. | BChannel News