Arestado ng mga pulis ang isang suspek sa Barangay San Isidro, Rosario, Batangas na kinilalang si “Nestor” sa isinagawang joint operation ng Rosario Municipal Police at Provincial Intelligence Unit.
Batay sa search warrant na inilabas ng Municipal Trial Court, narekober mula sa kanya ang isang caliber .45 pistol, magazine, pitong bala, sling bag, at leather holster.
Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Rosario Police Station para sa tamang disposisyon.
Ayon kay Batangas Police Provincial Director PCOL Sibalo, patuloy ang kanilang kampanya laban sa loose firearms upang maiwasan ang mga krimeng kinasasangkutan ng baril at matiyak ang kaligtasan ng publiko. | BChannel news