Arestado ng Tuy Municipal Police Station ang isang lalaki na kabilang sa third most wanted sa kasong rape sa probinsya ng Batangas.
Kinilala ang suspek na si Darwen, 53 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Sabang, Tuy.
Ayon sa ulat ng Batangas PPIO, inisyu kahapon, Setyembre 24, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 10 sa Balayan, Batangas ang warrant of arrest laban kay Darwen at walang bail ang inirerekomenda.
Gamit ang Alternative Recording Device, matagumpay na naisagawa ang operasyon ng mga intelligence operatives ng Tuy Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 4A, PIT Batangas upang masiguro ang maayos na pag-aresto.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na si Darwen habang pinoproseso ang kaukulang kaso. | BChannel news | 📸 Batangas PPIO