Isang delivery hub ang nilooban ng mga magnanakaw at tinangay ang laman ng vault na nasa mahigit kalahating milyong piso sa Barangay Bucal, Lemery Batangas pasado alas-2 hanggang alas-4 ng madaling araw nitong Setyembre 28, 2025.
Base sa Lemery Police Station, pinasok ng mga di-pa nakikilalang suspek ang naturang establisyemento. Natuklasan ang insidente bandang alas-8:35 ng umaga nang dumating sa hub ang delivery rider na si Mark Joseph at branch admin na si Catherine.
Pagbukas nila, tumambad ang sirang vault at ang pagkawala ng halagang Php516,540. Ayon sa imbestigasyon, gumamit umano ng aluminum ladder ang mga suspek at pwersahang sinira ang bahagi ng exhaust fan sa likuran para makapasok.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Nakahain na ang request para sa SOCO technical investigation at nagpapatuloy ang follow-up operations upang mahanap at maaresto ang mga responsable. | BChannel news