Isang lalaki ang pinagtulungan ng apat na suspek na patayin sa Paunlad Pabahay, Barangay Punta, Calamba City, Laguna.
Ayon sa ulat ng Calamba Police Station, bandang alas-8:10 ng gabi, Setyembre 30, ang biktima na kilala bilang Ariel, kasama ang isang saksi, ay pababa ng kanilang bahay nang biglang harapin sila ng apat na suspek.
Sinugod ni Brener ang saksi, samantalang si Chriistopher ay tinamaan ang ulo ng saksi gamit ang bote at salamin. Hindi nagtagal, ginamit din ni Chriistopher ang isang basag na bote upang saksakin ang braso ng saksi. Sa gitna ng kaguluhan, nakita ng saksi si Brener na paulit-ulit na sinasaksak si Ariel. Dumating rin sina John at Eljen at sinimulang suntukin ang biktima habang siya ay sinasaksak na.
Agad na dinala ang biktima sa J.P. Rizal Memorial Hospital gamit ang ambulansya ng Barangay Punta, ngunit idineklarang dead on arrival.
Kinilala ang mga suspek bilang John, Brener, Christopher, at Eljen, at lahat ay naaresto na.
Ang imbestigasyon ng Calamba City Police ay kasalukuyang naghahanda ng mga dokumento para sa pag-file ng nararapat na kaso laban sa mga suspek. | BChannel news