Normal lang ang minor eruption ng Taal Volcano sa Batangas na naitala ngayong Miyerkules ng 2:02 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOCLS.
Umabot sa 2,500 metro ang taas ng usok na tumawid sa hilagang-kanluran at tumagal ng 13 minuto.
Ani Phivolcs Director Teresito Bacolcol, lagpas 90 phreatic at phreatomagnetic eruptions na ang naitala mula Abril noong nakaraang taon. Nilinaw din niya na wala itong kinalaman sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, na dulot ng offshore fault.
Nanawagan si Bacolcol sa publiko na huwag pumasok sa Taal Volcano Island o sa permanent danger zone.
Ang Taal ay nananatili sa Alert Level 1, kung saan posible pa rin ang biglaang singaw, kaunting abo, at paglabas ng nakalalasong gas.
Ayon kay Bacolcol, malabong taasan ang alert level sa ngayon dahil walang naitalang lindol sa loob ng nakaraang 24 oras sa bulkan. | BChannel news