Naaresto ng mga tauhan ng Tanauan Component City Police Station ang isang Regional Most Wanted Person na kinilalang si Romeo sa Barangay Poblacion 3, Tanauan City, Batangas nitong October 6, 2025.
Ang suspek, 34 anyos, at nagtatrabaho bilang helper, ay tubong Tagkawayan, Quezon at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Bukluran 2, Barangay Darasa, Tanauan City. Inaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest.
Si alyas ROMEO ay nahaharap sa kasong Qualified Rape of a Minor na may parusang walang piyansa, at Sexual Assault na may itinakdang piyansang P200,000.00. Ang warrant ay inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 6 sa Tanauan City, Batangas.
Ang operasyon ay isinagawa gamit ang body-worn camera at alternatibong recording device upang masiguro ang transparency.
Sa ngayon, nakakulong na si Romeo sa Tanauan City Police Station. | BChannel news