Arestado ang isang lalaki matapos sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa San Jose, Batangas.
Ayon sa San Jose Municipal Police Station, pasado alas-12:30 ng madaling-araw kanina, October 8, nagsagawa ng operasyon ang kanilang Municipal Drug Enforcement Team sa Barangay Sto. Cristo, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Kinilala ang suspek na Emerson, na itinuturing na street-level drug personality.
Nakuha sa kanya ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinatayang anim na gramo ang bigat, at may halagang umaabot sa P40,800.
Bukod dito, narekober din ang isang ₱500 marked money at isang itim na coin purse. Ang buong operasyon ay naisagawa alinsunod sa batas at naitala sa pamamagitan ng Alternative Recording Device o ARD.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. | BChannel news