Sa pagdiriwang ng unang 100 araw ng panunungkulan ni Governor Vilma Santos-Recto, ipepresenta niya ang mga nagawa at programa ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng “The First 100 Days: Gov. Vi Special Report” sa darating na Oktubre 15, 2025, alas-8 ng umaga sa Batangas Province Events Center sa Barangay Bolbok, Lungsod ng Batangas.
Sa countdown na nilabas ng Batangas PIO, tampok ang H.E.A.R.T.S. Program na sumasaklaw sa Health; Education, Environment, and Employment; Agriculture; Roads and Infrastructure; Tourism and Technology; at Security & Social Services.
Kabilang sa kanyang mga proyekto ang pagpapalakas ng mga medical mission, pagdaragdag ng health equipment, at pagpapaganda ng mga pasilidad pangkalusugan.
Sa larangan ng edukasyon, kalikasan, at kabuhayan, itinaguyod ang suporta sa mga estudyante, mga proyektong pangkalikasan, at livelihood programs.
Sa agrikultura, patuloy ang pagbibigay ng farm inputs at tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa imprastraktura, tuloy-tuloy ang pagpapatayo at pagsasaayos ng mga daan, tulay, at paaralan para sa isang mas modernong Batangas.
Pinalakas din ang promosyon ng turismo at mga cultural events, habang sa seguridad at social services, tiniyak ang kaligtasan at kagalingan ng bawat Batangueño.
Layunin ni Governor Santos-Recto na higit pang patatagin ang pag-unlad ng lalawigan sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa sustainable development, resilience, at inclusive growth para sa lahat.
Muling ipinaalala ng pamahalaang panlalawigan na sabayan at saksihan ang espesyal na report ni Gov. Vi ngayong Oktubre 15.
Tunghayan ang aming special live-coverage sa Balisong Channel Facebook Page. | BChannel news