Nauwi sa trahedya ang pagtulong ng isang Tourism Officer matapos itong malunod habang tumutulong sa rescue operation sa isang beach resort sa Brgy. Sta. Ana, Calatagan, Batangas.
Ayon sa Philippine Coast Guard Calatagan, dakong alas-2:00 ng hapon nang magsagawa sila ng search and rescue matapos mawala ang naturang opisyal habang tumutulong sa isang lifeguard na magligtas ng lumulubog na swimmer.
Matapos ang ilang minutong paghahanap, natagpuan ang biktima at agad isinailalim sa CPR bago dinala ng MDRRMO Calatagan sa Calatagan Medicare Center. Sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor, idineklara itong patay.
Napag-alamang nasagip ang unang nalulunod na swimmer, ngunit mismong tumulong na Tourism Officer ang hindi na nakaligtas.
Pinaalalahanan ng Coast Guard ang publiko at mga resort na maging alerto at siguruhing ligtas ang lahat ng naliligo sa dagat. | BChannel news | 📸 PCG