Inaresto ng Malvar Municipal Police Station ang isang lalaki na si Ruel dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Naganap ang operasyon nitong November 20, 2025 sa Barangay San Juan, Malvar.
Si Ruel, 45-anyos, at isang driver, ay residente mismo ng nasabing barangay.

Inilunsad ang operasyon matapos maglabas ng Search Warrant ang RTC Fourth Judicial Region, Lucena City, Quezon l, na may petsang November 18, 2025.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .38 revolver na may serial number at anim na bala ng caliber .38. Naging maayos ang operasyon at isinagawa sa harap ng mga Barangay Councilor, at mismong suspek.
Ayon sa Malvar Police, patuloy silang magsasagawa ng operasyon laban sa mga ilegal na armas upang masiguro ang kaligtasan at katahimikan sa komunidad. Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591. | BChannel news