Inaresto ng mga awtoridad ang tinaguriang Rank No. 5 Regional Most Wanted Person na si Andy sa Barangay Laurel, San Pascual, Batangas nitong December 9, 2025.
Kinilala ng Batangas City Police Station at 1st BPMFC ang suspek na si Andy, 30 anyos at construction worker mula sa Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City.
Siya ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na walang piyansa, na inilabas noong December 5 ng RTC Branch 8.
Nasa kustodiya na ng Batangas City Police ang suspek. | BChannel news