Dalawang street-level drug personality ang naaresto sa magkahiwalay ngunit magkasunod na buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Batangas City Police Station sa ilalim ng koordinasyon ng PDEA, noong gabi ng Enero a-5 hanggang madaling-araw ng Enero a-6, sa Batangas City.
Unang naaresto si Renato bandang alas-11:27 ng gabi ng Enero a-5 sa Barangay Libjo ang isang suspek na nakuhaan ng humigit-kumulang 0.18 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na mahigit isang libong piso, kasama ang limandaang pisong buy-bust money.
Makalipas ang ilang oras, bandang alas-2:21 ng madaling-araw ng Enero a-6, isa pang suspek na si Mario ang naaresto sa Barangay Pallocan West matapos makumpiskahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 0.40 gramo at halagang aabot sa mahigit dalawang libong piso. Nakuha rin ang ginamit na buy-bust money at isang puting motorsiklo na umano’y ginamit sa ilegal na transaksyon.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek at sasampahan ng kaukulang kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy ang pinaigting na kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga sa lungsod. | BChannel news