Nag-utos ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ng agarang stabilization measures sa isang pribadong sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal matapos ang pagguho ng tambak na basura noong Biyernes, Pebrero 20, na nagresulta sa pagkasawi ng 1 habang 2 pa ang nawawala.
Inatasan ng ahensya ang operator na magsagawa ng pagpa-patag at pagsasaayos ng dalisdis, waste compaction at soil covering, limitahan ang galaw ng heavy equipment, at higpitan ang inspeksyon sa lugar upang maiwasan ang panibagong pagguho. Nagpadala na rin ng imbestigasyon team ang DENR upang alamin ang lawak ng insidente.
Ayon kay Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa landfill operator para mahanap ang mga nawawala.
Nilinaw naman ni Rizal Governor Nini Ynares na pribadong pagmamay-ari ang landfill at hiniling ang agarang imbestigasyon at kaukulang aksyon para sa kaligtasan ng publiko at kapaligiran.
Posible ring maglabas ng notice of violation ang EMB laban sa operator. | BChannel news