Magpupulong sa susunod na linggo ang Department of the Interior and Local Government upang pag-usapan ang posibleng amendments sa Local Government Code, na maaaring kabilang ang reporma sa Sangguniang Kabataan o SK.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, tatalakayin sa naturang meeting ang saklaw ng responsibilidad ng SK sa mga lokal na pamahalaan.
Nauna nang binanggit ni Remulla ang posibilidad ng pag-abolish ng SK dahil umano sa mababang youth participation.
Gayunman, sinabi ng kalihim na isa itong constitutional concern, dahil kinikilala ng 1987 Constitution ang mahalagang papel ng kabataan sa nation-building at sa pakikilahok sa public at civic affairs.
Sa ngayon, wala pang detalye ang DILG kung sinu-sino ang lalahok sa naturang pulong. | BChannel News