Natagpuang nakahandusay at may saksak ang isang lalaki sa loob ng New Agoncillo Cockpit Arena sa Barangay Bagong Sikat, Agoncillo, Batangas, alas-8:30 ng umaga noong March 4.
Batay sa ulat ng Agoncillo Municipal Police Station, natagpuan ang biktima na duguan at may tama ng saksak sa loob ng sabungan matapos makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen.
Kinilala lamang ang biktima sa pangalang “Ace,” nasa edad 40 hanggang 45, tubong Bulacan at empleyado ng nasabing cockpit arena.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng hindi pa nakikilalang suspek. | BChannel News