Nilooban ng apat na hindi pa nakikilalang suspek ang isang convenience store sa Barangay Mamatid 3 sa Cabuyao City, Laguna madaling araw ng March 15.
Base sa ulat ng Cabuyao City Component Police Station, bandang 3:13 ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa tindahan at agad nagdeklara ng holdap. Dalawa sa kanila ang naglabas ng baril at tinutukan ang isang store crew habang pinapabuksan ang counter at vault.
Samantala, pinayuko naman ng dalawa pang suspek ang isa pang empleyado habang kinukuha ang pera sa loob ng establisyimento.
Tinatayang nasa P55,000 ang natangay ng mga suspek bago sila tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.
Agad nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya at kasalukuyang nire-review ang CCTV footage upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. | BChannel News