Nasa 17 katao ang hinuli matapos mahuling umano’y nagnanakaw ng metal scraps mula sa isang barko, Martes ng gabi sa Mabini, Batangas.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, bandang 7:45 PM nang isagawa ang operasyon sa Barangay Malimatoc II kung saan naaktuhan ang mga suspek na pinuputol ang bahagi ng isang vessel na pagmamay-ari ng isang 43-anyos na negosyante mula Makati City.
Nauna rito, bandang 3:11 PM, nakipag-ugnayan ang biktima kasama ang Provincial Intelligence Unit ng Batangas PPO sa Mabini Municipal Police Station kaugnay ng insidente.
Depensa naman ng mga suspek, inutusan lamang umano sila ng kanilang contractor.
Pero dahil wala silang maipakitang legal na pahintulot mula sa may-ari, agad silang inaresto sa kasong theft.
Lahat ng mga naaresto ay residente ng Mariveles, Bataan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Mabini Police habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila. | BChannel News