Isang 48-anyos na vendor ang kritikal matapos pagbabarilin sa Brgy. San Celestino, Lipa City, Batangas, Biyernes ng gabi, March 27.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bibili lang sana ng alak ang biktima sa isang sari-sari store bandang 8:50 PM nang biglang dumating ang suspek sakay ng orange na kotse. Walang babala, bumunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima sa dibdib bago mabilis na tumakas patungong Padre Garcia.
Naisugod sa Hospital ang biktima na si Noel sa tulong ng mga residente at kasalukuyan itong ginagamot.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Lipa City police habang nagsagawa na ng dragnet operation, paghingi ng tulong sa SOCO, at pagsusuri ng CCTV footage para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. Hinahanap na rin ang mga posibleng saksi sa insidente.
Sa ngayon, nananatiling hindi pa nakikilala ang suspek at inaalam pa ang motibo sa pamamaril. | BChannel News