Magkakaroon ng sunod-sunod na scheduled power interruption ang Manila Electric Company o Meralco mula April 3 hanggang April 5 sa ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite at Laguna dahil sa maintenance, testing at line works.
Sa Caloocan, inaasahan ang brownout mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga kinabukasan sa piling lugar, habang sa Maynila, maaapektuhan ang ilang bahagi ng Tondo kabilang ang ICTSI sa April 3 mula umaga hanggang tanghali dahil sa line reconstruction.
Sa Cavite, magkakaroon din ng power interruption sa April 3 at April 5 sa iba’t ibang bayan at lungsod gaya ng General Trias, Naic at Trece Martires, kaugnay ng maintenance at load normalization para sa NGCP transmission project.
Sa Laguna, apektado ang Santa Rosa at Calamba kung saan may mga naka-schedule na brownout mula April 3 hanggang April 4 sa ilang industrial areas at pangunahing kalsada dahil sa preventive maintenance at testing ng mga pasilidad.
Ayon sa Meralco, kinakailangan ang mga power interruption na ito upang masigurong maayos at ligtas ang operasyon ng kuryente sa mga apektadong lugar.