Nagdaos ng media gathering ang SM Malls sa Kuya J Restaurant sa SM City Lipa, kung saan inimbitahan ang media at digital vloggers na sumusuporta sa SM Malls sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes, April 10.
Layunin ng event na magpasalamat sa media partners at vloggers na tumutulong sa pag-promote ng kanilang mga events, promos, at activities. Ibinahagi rin dito ang mga paparating na proyekto ng SM sa mga susunod na buwan.

Kabilang sa mga ipinakilala ang 3-Day Sale, ang “Tote-Tally Yours” na ilulunsad ngayong May, at ang “Gala to the Max” campaign na may theme song para sa TikTok.

Tinalakay rin ang mga upcoming local events sa Batangas at ang inaabangang Grand Christmas Parade na mas palalakihin pa ngayong taon.
Nagbigay ng mensahe sina John Mauhay, Mall Manager ng SM City Lipa, Ms. Kitchie Limoanco, SAVP for Marketing Communications & PR, at Mr. Joaquin San Agustin, Executive Vice President for Marketing, kung saan nagpasalamat sila sa tuloy-tuloy na suporta ng media.

Dumalo rin sina Mr. Ritzgerald Gonzales, SAVP, South Marketing. Nandoon din ang PR team ng SM City Batangas na sina Public Relations Officer Lea De Chavez, Matt Babasa, at iba pa, kasama ang mga taga-Marketing at PR ng SM City Lipa, SM City Batangas, SM City Sto. Tomas, at SM Center Lemery.
Mas naging masaya ang event dahil sa pagkain mula sa Kuya J Restaurant at sa trivia game tungkol sa apat na SM Batangas Malls.

Bilang pasasalamat, tumanggap ang mga dumalo ng gift vouchers at items mula sa Florista Flower Shop, Havaianas, Resibo Photo, Sunnies, at SM Malls.
Kabilang sa mga dumalo ang Balisong Channel Team, kasama sina Mary Rose Rivero, Station Manager; Jay Pamintuan, News Director; at Jameson Rieta, CEO-Founder ng Balisong Channel.
Sa kabuuan, ipinakita ng SM ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa media at vloggers para mas maiparating ang kanilang mga programa sa publiko. | BChannel News