Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Vendor, Patay sa Saksak sa Lipa Public Market

crime scene do not cross signage

Patay ang isang lalaki matapos umanong saksakin sa loob ng Lipa City Public Market sa Barangay 3 sa Batangas, madaling araw ng Biyernes.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pumunta ang biktima na si Joel sa palengke bandang alas-3:40 ng umaga para bumili ng isda na kanyang ibebenta nang lapitan siya ng suspek dahil umano sa hindi nabayarang utang.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, bigla na lang umanong bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek na si Ricardo sakay ng kanyang cargo sidecar o “bangkulong” patungong Barangay Balintawak.

Rumesponde ang ilang concerned citizens at isinugod ang biktima sa NL Villa Medical Center, pero idineklara siyang dead on arrival bandang alas-4:28 ng umaga.

Patuloy ngayon ang follow-up operation ng Lipa police para sa posibleng pag-aresto sa suspek, habang sinusuri rin ang CCTV footage sa lugar at hinahanap ang mga posibleng testigo. | BChannel news