Mas pinalalakas ng Pilipinas ang koneksyon nito sa China matapos buksan ang mas maraming direktang flight papuntang Manila mula sa Hangzhou, Changsha, at Chongqing, na inaasahang magpapadali ng biyahe para sa mga turista at negosyante.
Pinakabago dito ang Hangzhou–Manila route na inilunsad ng XiamenAir noong May 20, na may tinatayang tatlo at kalahating oras na direct flight, mas mabilis kumpara sa dating palipat-lipat na biyahe. Ayon sa isang frequent traveler na si Yang Yan mula Hangzhou, malaking ginhawa ang bagong ruta dahil mas mabilis at mas convenient ang paglalakbay papuntang Manila.
Kasunod nito, nagbukas din ang Qingdao Airlines ng Changsha–Manila flight noong May 16, habang inilunsad naman ng XiamenAir ang Chongqing–Manila route noong May 21. Ayon sa Department of Tourism o DOT, apat na beses kada linggo ang biyahe ng Hangzhou–Manila service hanggang October 31, 2026.
Sinabi ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na prioridad ng gobyerno ang pagpapalakas ng air connectivity bilang bahagi ng tourism recovery. Dagdag pa niya, nananatiling isa ang China sa pinakamalaking source market ng turista sa bansa at patuloy ang pagtaas ng arrivals.
Batay sa DOT, nasa 4.56 percent ng total visitor arrivals sa Pilipinas ngayong 2025 ang mula China. Mula January 1 hanggang May 19, umabot sa 7.78 million international air seats ang naitala para sa inbound travel, habang tumaas din ang international flight arrivals ng 4.71 percent kumpara noong nakaraang taon. | BChannel News