Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

INGCO Tools Depot, Magbubukas sa Lipa City, Batangas sa June 8

Mas mapapalapit na sa mga builder, contractor, karpintero, at homeowners sa Batangas ang access sa iba’t ibang construction at repair tools sa inaasahang pagbubukas ng INGCO Tools Depot sa President Jose P. Laurel Hwy, Brgy. Banaybanay, Lipa City, Batangas (In Front of La Famille Restaurant) sa June 8.

Ayon sa kumpanya, ang bagong depot ang ikatlong INGCO depot sa buong Pilipinas at mas malaki ito kumpara sa karaniwang concept stores.

Inaasahang magbibigay ito ng mas maraming stock at mas kumpletong pagpipilian ng tools para sa construction, gardening, industrial work, at maging sa mga mahilig sa DIY projects sa bahay.

Ayon pa sa management na isa sa mga dahilan ng pagbubukas ng depot sa Lipa ay ang patuloy na pagdami ng construction projects at home improvement activities sa lalawigan ng Batangas. Layunin din nitong gawing mas madaling maabot ng mga propesyonal at ordinaryong consumers ang mga kagamitan na ginagamit sa iba’t ibang proyekto.

Kasabay ng grand opening sa June 8 ay ang isang araw na promotional event kung saan magkakaroon ng special discounts at opening-day deals sa piling produkto. Limitado lamang ang stocks para sa mga promo.

Kilala ang INGCO sa kanilang tagline na “Professional Tools Made Affordable,” na nakatuon sa pagbibigay ng de-kalidad ngunit mas abot-kayang kagamitan para sa mga manggagawa, DIY users, at iba pang gumagamit ng tools. | JMPamintuan, #BCBrandLab