Muling iginiit ng Department of Education o DepEd ang kanilang “No Collection” policy kasabay ng paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa June 8.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, hindi obligado ang mga guro na gumastos mula sa sariling bulsa para sa mga pangangailangan sa paaralan. Binigyang-diin din ng DepEd na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang sapilitang koleksyon ng pera sa Brigada Eskwela, enrollment, at iba pang school opening activities.
Sa ilalim ng polisiya, dapat gamitin ng mga paaralan ang kanilang pondo at iba pang suportang mula sa gobyerno at komunidad para sa mga gastusin sa operasyon at paghahanda.
Samantala, ayon sa Alliance of Concerned Teachers o ACT, karamihan sa mga gurong kanilang nasarbey ay gumastos ng mahigit limang libong piso para sa Brigada Eskwela dahil umano sa kakulangan ng suporta at paghahanda sa ilang paaralan.
Inaasahang aabot sa 26 hanggang 28 milyong estudyante ang mag-eenroll para sa School Year 2026-2027. | BChannel News