Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Lalaki, sugatan nang bugbugin sa Lipa City, Batangas; 5 arestado

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Arestado ang limang suspek matapos umanong bugbugin ang isang lalaki sa Purok 2, Barangay Bulacnin, Lipa City, Batangas noong gabi ng July 14.

Batay sa imbestigasyon, papunta ang biktimang si John at ang kanyang pinsan upang sunduin ang isa pa nilang kamag-anak na may iniindang karamdaman nang magkaroon ng alitan sa isa sa mga suspek.

Makalipas ang ilang sandali, umalis umano ang mga suspek ngunit bumalik kasama ang iba pang kasamahan na may dalang golf club at 2×2 na kahoy. Doon na umano paulit-ulit na binugbog ang biktima hanggang magtamo ito ng matitinding sugat.

Nasaklolohan ang biktima ng mga barangay tanod at dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Kasunod ng reklamo, inaresto ng pulisya ang mga suspek na sina Joshua, Marco, at Abel, habang ang dalawang sangkot pawang mga menor de edad ay isinailalim sa kaukulang proseso at ililipat sa City Social Welfare and Development Office.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Frustrated Homicide sa Lipa City Prosecutor’s Office.