Opens in a new tab
Skip to content
Business

Commercial flights sa Romblon, balik-operasyon matapos ang ilang taon

Muling nagkaroon ng commercial air service ang Romblon matapos lumapag ang inaugural flight ng Sunlight Air mula Clark patungong Tablas, Romblon noong Agosto 11, 2026.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, isinagawa ang mga kinakailangang paghahanda sa operasyon, seguridad, at kaligtasan bago muling buksan ang ruta.

Inaasahan ding makatutulong ang mas madaling access sa Romblon para sa turismo, kalakalan, at iba pang aktibidad sa lalawigan.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang CAAP sa mga airline at iba pang stakeholders upang mapalawak pa ang air connectivity sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa CAAP, ang pagbabalik ng regular na biyahe sa himpapawid ay inaasahang magbibigay ng panibagong opsyon sa paglalakbay para sa mga residente, turista, at negosyong bumibiyahe papasok at palabas ng lalawigan. | BChannel News