Opens in a new tab
Skip to content
Business

Diesel at gasolina, posible ang panibagong big-time price hike

gasoline pumps in close up photography

Posibleng muling sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang dalawang sunod na linggong rollback.

Batay sa pagtaya ng industriya, maaaring tumaas ang diesel ng P3.75 hanggang P4.25 kada litro, habang inaasahang madaragdagan naman ng P2.50 hanggang P3 kada litro ang presyo ng gasolina.

Kung matutuloy, ito ang isa sa pinakamalalaking oil price increase na maitatala sa mga nakalipas na buwan at direktang mararamdaman ng mga motorista at operators ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa mga market reports, tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa mga pangamba sa suplay, kabilang ang mga isyu sa Middle East at mga pangunahing shipping routes para sa langis.

Inaasahan namang ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa mga susunod na araw bago ito ipatupad sa susunod na linggo.