Opens in a new tab
Skip to content
Business

Electricity bills ng mga consumer, posibleng tumaas ngayong Agosto ayon sa NGCP

Posibleng tumaas ang bahagi ng transmission charges sa August 2026 electricity bills ng mga consumer na sakop ng private distribution utilities at electric cooperatives, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.

Ito ay matapos tumaas nang 30.85 percent ang singil para sa Ancillary Services, mula ₱0.7941 kada kilowatt-hour noong June hanggang ₱1.0391 kada kilowatt-hour noong July billing period.

Ang Ancillary Services ay mga serbisyong kailangan para mapanatiling stable at reliable ang power grid, lalo na kapag may pagbabago sa supply at demand ng kuryente.

Bahagya ring tumaas ang transmission wheeling rate ng NGCP, mula ₱0.5044 kada kilowatt-hour noong June hanggang ₱0.5436 noong July.

Dahil dito, umakyat ng 22.22 percent ang overall average transmission rate, mula ₱1.4367 tungo sa ₱1.7560 kada kilowatt-hour. Ang July rate ang isasama sa mga electricity bill ngayong August.

Ipinaliwanag ng NGCP na hindi nito kinikita ang Ancillary Service charges. Direktang napupunta ang bayad sa mga generation company na may kontrata para sa serbisyo at sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines o IEMOP para sa reserves mula sa Reserve Market.

Ayon sa NGCP, malaking bahagi ng overall transmission rate ay mula sa Ancillary Services, na mahalaga para mapanatiling ligtas, stable at reliable ang power system.