Pumanaw na sa edad na 80 ang legendary country singer at songwriter na si Dolly Parton, ayon sa kanyang pamilya.
Sinabi ng kanyang publicist na peaceful siyang namatay sa Nashville, pero walang opisyal na cause of death na inilabas. Iniulat naman ng People magazine na nakipaglaban siya sa isang “brief battle with cancer.”
Halos anim na dekada siyang gumawa ng musika at nakabenta ng mahigit 100 million records sa buong mundo. Kabilang sa kanyang pinakasikat na kanta ang “Jolene,” “Coat of Many Colors,” at “I Will Always Love You.”

May 11 Grammy Awards si Parton, kabilang ang Lifetime Achievement Award, at nakapagsulat ng tinatayang 3,000 songs sa kanyang career.
Bukod sa musika, nakilala rin siya sa pelikula, telebisyon, at sa pagtatatag ng Dollywood theme park sa Tennessee.
Sa kabila ng kanyang tagumpay, nanatili siyang konektado sa kanyang mahirap na pinagmulan at gumamit ng kanyang yaman para tumulong sa education, literacy programs, at vaccine research. | BChannel News