Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

Mayor ng Montalban, naisip ang solusyon sa mga binabaha na magpagawa na lang ng second floor

Two-storey houses ang iminungkahi ni Rodriguez, Rizal Mayor Ronnie Evangelista para sa mga residenteng madalas maapektuhan ng baha sa bayan.

Ayon sa alkalde, may malaking bahagi ang topography ng Rodriguez sa mabilis na pag-ipon ng tubig. Parang funnel umano ang lugar dahil dito dumadaloy ang tubig mula sa ilang ilog, kabilang ang Marikina River system, bago patungong Wawa at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Pero hindi lahat ng residente sang-ayon sa proposal. Ilang residente ang nagsabing hindi nila kayang gastusan ang pagpapagawa ng second floor, lalo na ang mga pamilyang kapos sa pera.

Sinabi rin ng alkalde sa ulat ng 24 oras na mahigit 2,000 pamilya ang posibleng mangailangan ng ganitong adjustment, kaya hindi umano kayang sagutin lahat ng gastos ng local government.

Samantala, nagbabala ang Malacañang na maaaring magkaroon ng legal concerns sa naturang proposal, lalo na kung ang mga bahay ay nasa lupang hindi pagmamay-ari ng mga nakatira rito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat ding isaalang-alang ang building regulations at land ownership bago magpatayo o magdagdag ng bahagi sa isang bahay.

Sa gitna ng usapin, patuloy na naghahanap ng paraan ang lokal na pamahalaan para mabawasan ang epekto ng pagbaha, habang ilang residente naman ang humihiling ng solusyong kaya nilang abutin.

Bukod sa topography, binanggit din ang runoff mula sa mga bundok at quarrying bilang mga factor na kailangang pag-aralan. Gayunman, sinabi ng alkalde na binabaha na ang Rodriguez kahit bago pa lumawak ang quarrying activities.