Opens in a new tab
Skip to content
Entertainment

Alex Gonzaga, ibinahagi na ang larawan ng baby nila ni Mikee Morada

Ibinahagi na sa publiko ni vlogger at actress Alex Gonzaga ang unang larawan ng kanilang newborn baby ni Mikee Morada.

Sa kanyang Instagram post, makikita si Alex kasama ang kanyang asawa at ang kanilang anak na si Isaac Gerard G. Morada.

Ayon kay Alex, eksaktong isang buwan na mula nang isilang ang kanilang baby boy, na tinawag niyang kanilang “answered prayer.”

Ibinahagi rin niya na naging successful ang kanyang cesarean section delivery, at nagpasalamat siya kay Jesus sa ligtas na panganganak at pagdating ng kanilang anak.

Agad namang umulan ng congratulatory messages mula sa kanilang fans, netizens, friends, at mga kasamahan sa entertainment industry.

Para kay Alex, isa itong espesyal na moment matapos nilang makasama nang personal ang kanilang baby boy na si Isaac. | BChannel News