Umabot na sa 1,355 ang nasawi at 4,996 ang nawawala matapos ang matinding flash floods na tumama sa Nepal noong August 26.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority, 98 pa lang sa mga narekober na labi ang nakilala at naibigay sa kanilang pamilya.
Pinakamaraming casualties ang naitala sa Chitwan, 363, habang 222 sa Nawalparasi East at 221 sa Nawalparasi West.
Sa mga nawawala, 2,340 ay mula sa Nuwakot at 1,967 sa Rasuwa. Kasama rito ang tinatayang 589 foreign nationals at nasa 100 security at government personnel.
Samantala, 13,396 katao na ang nailigtas, pero 3,533 displaced residents ang nasa 39 holding centers sa Rasuwa, Nuwakot at Dhading.
Patuloy ang search and rescue gamit ang helicopters at heavy equipment, na sinusuportahan ng mahigit 21,400 security personnel.
Tinatayang nasa 387.5 billion Nepali rupees, o US$2.56 billion, ang initial damage sa mga bahay, ari-arian at infrastructure.