Opens in a new tab
Skip to content
Livelihood

DOLE, hinihintay ang desisyon ng korte bago ipatupad ang P85 wage hike sa NCR

Hindi pa maipatutupad ang dagdag-sahod na ₱85 para sa minimum wage earners sa Metro Manila habang may bisa ang injunction ng korte laban sa Wage Order No. 27.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, kumikilos ang Department of Labor and Employment o DOLE para maresolba ang kaso sa tamang legal process.

Noong September 3, nagsumite ang Office of the Solicitor General o OSG ng Motion to Resolve, na humihiling sa korte na agad aksyunan ang usapin. Nauna rito, naghain ang OSG ng Urgent Motion for Reconsideration Ad Cautelam noong August 17.

May kaugnayan din sa kaso ang ₱10 billion bond na hindi nabayaran ng mga kumontra sa wage increase.

Giit ni Secretary Tolentino, hindi maaaring basta ipatupad ng DOLE ang wage order habang may court injunction. Ang korte mismo ang maaaring magdesisyon kung mananatili, aalisin, o babaguhin ang injunction.

Paliwanag ng kalihim, mas ligtas para sa ahensya na dumaan sa korte kaysa balewalain ang utos nito at posibleng maharap sa contempt of court sa ilalim ng Rule 71 ng Rules of Court.

Samantala, sinabi ng DOLE na agad nitong ipatutupad ang Wage Order No. 27 at ang ₱85 wage increase kapag inalis o binawi na ng korte ang injunction.