Opens in a new tab
Skip to content
Business

Pinoy tropical fruits, umabot sa USD290.71-million sales ayon sa Dept. of Agriculture

Umabot sa USD290.71 billion ang kabuuang sales ng Philippine tropical fruits sa Asia Fruit Logistica 2026 sa Hong Kong.

Sa kabuuan, mahigit USD222.75 million ang booked sales, habang nasa USD70.39 million naman ang sales na pinag-uusapan pa ng mga buyers.

Pinakamalaki ang ambag ng durian, na nakakuha ng USD206 million na booked sales.

Sumunod ang saging na may USD14 million. Dito, USD11 million ang mula sa ordinary Cavendish, habang USD3 million naman ang Cardaba o Saba banana.

Para naman sa sales under negotiation, nangunguna pa rin ang durian sa USD68.78 million. May karagdagang USD424,075 naman na pinag-uusapang sales para sa Cardaba banana.

Nakakuha rin ng potential deals ang dragon fruit at mangoes, na nagkakahalaga ng USD1.02 million at USD170,800, ayon sa Department of Agriculture.

Kasama ang Pilipinas sa event na dinaluhan ng participants mula sa 95 countries and regions, na may hindi bababa sa 760 exhibitors mula sa 41 countries.

Ayon sa DA, ipagpapatuloy ang paghahanap ng international buyers para sa local agricultural products.

Kabilang sa susunod na itutulak sa global market ang mango, seaweeds, coffee at cacao, sa pamamagitan ng Hand-in-Hand Initiative na dadaluhan ng DA sa Rome sa October.