Posibleng mas mahal ang plane tickets sa second half ng September dahil sa mas mataas na fuel surcharge na maaaring ipataw ng mga airline.
Ayon sa Civil Aeronautics Board, nasa Level 14 ang fuel surcharge mula September 16 hanggang 30.
Sa domestic flights, maaaring umabot sa P457 ang surcharge para sa short-distance routes, habang hanggang P1,336 naman para sa longer flights.
Para sa international flights, maaaring umabot ang surcharge sa P1,509.08 hanggang P11,220.71, depende sa distance.
Hindi naman automatic na lahat ng airline ay magpapataw ng buong halaga. Kailangan muna nilang magsumite ng application bago September 16.
Ang pagtaas ay iniuugnay sa patuloy na tensyon sa Middle East, partikular sa Strait of Hormuz, na nakaaapekto sa presyo at supply ng fuel.