Opens in a new tab
Skip to content
Entertainment

Customs, tuluyan nang kinumpiska ang kotse ng aktor na si Derek Ramsay

Inirekomenda ng Land Transportation Office o LTO ang tuluyang pagbawi sa driver’s license ng driver ng isang Porsche Spyder na pagmamay-ari ng aktor na si Derek Ramsay.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, malinaw umano ang naging paglabag matapos gamitin ang sasakyan sa public road na may nakakabit na hindi awtorisadong plaka.

Ang naturang plaka ay may initials ng pangalan ng driver, pero hindi ito awtorisado ng LTO.

Dahil dito, pinadalhan ng Show Cause Order o SCO ang registered owner at driver ng sasakyan. Pinagpaliwanag sila ng LTO at pinagsumite ng mga kinakailangang dokumento tungkol sa insidente.

Samantala, hindi pa rin maaaring i-release ang Porsche Spyder habang hinihintay ang magiging disposisyon ng Bureau of Customs o BOC.

Giit ni Asec. Lacanilao, mahigpit ang LTO sa paggamit ng fake o unauthorized plates dahil mahalaga ang tamang pagkakakilanlan ng bawat sasakyan na bumibiyahe sa kalsada.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng LTO sa mga rules tungkol sa vehicle plates at iba pang kaugnay na violations.

Paalala ng ahensya sa mga motorista, gumamit lamang ng legal at authorized na plaka upang maiwasan ang paglabag at mapanatili ang maayos at ligtas na paggamit ng mga sasakyan sa public roads.