Dalawang taon ang revocation ng Land Transportation Office o LTO sa driver’s license ng aktor na si Nino Muhlach, matapos itong masangkot sa isang aksidente sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal.
Batay sa imbestigasyon at pagdinig ng LTO, lumabas na nakaranas umano ng matinding pagod ang aktor bago mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan.
Tumama ang sasakyan sa tatlong establisyimento.
Sa naging resulta ng proceedings, napatunayang may pananagutan ang aktor sa paglabag sa Reckless Driving at idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Dahil dito, ipinataw ng LTO ang two-year revocation sa kanyang driver’s license.
Nananatili ring nasa alarm status ang naturang sasakyan. Ibig sabihin, may restriction sa mga transaksyong may kaugnayan dito habang umiiral ang resolusyon ng LTO.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Lacanilao, seryoso ang ahensya sa pagpapatupad ng traffic laws, lalo na sa mga paglabag na maaaring maglagay sa panganib sa ibang road users.
Binigyang-diin din ng LTO na ipatutupad ang kaukulang penalties base sa resulta ng imbestigasyon at pagdinig, anuman ang katayuan ng taong sangkot. | BChannel News