Opens in a new tab
Skip to content
Business

Bus operators, nagbabala sa posibleng epekto ng mataas na fuel price sa biyahe

Nagbabala ang Victory Liner at iba pang provincial at city bus operators na maaaring maapektuhan ang kanilang operasyon kung hindi maibabalik ang fare adjustment na inaprubahan ng LTFRB noong March 14, 2026.

Sa kanilang panawagan sa pamahalaan, sinabi ng mga bus groups na patuloy na tumataas ang fuel prices at iba pang operating costs, habang nananatiling regulated ang kanilang pamasahe.

Ayon sa industriya, umaabot na sa tinatayang 45 hanggang 60 percent ng kanilang operating costs ang napupunta sa fuel. Dagdag pa rito ang gastos sa modernization loans, spare parts, tires, maintenance, insurance, toll fees at regulatory compliance.

Ipinaliwanag din ng mga operators na hindi tulad ng airlines at sea transport operators, hindi sila maaaring basta magdagdag ng fuel surcharge kapag tumataas ang presyo ng petrolyo. May VAT din ang fuel na binibili nila, habang hindi naman subject sa VAT ang passenger fares.

Sinabi ng mga bus groups na maaari pang dagdagan ang pressure sa kanilang operasyon ng paparating na wage increase, dahil kailangan nilang tustusan ang mas mataas na labor cost habang limitado pa rin ang kanilang revenue.

Nanawagan ang Victory Liner kay President Ferdinand Marcos Jr., gayundin sa Senate, House of Representatives, Department of Transportation, Department of Finance, Department of Energy at LTFRB, na agad alisin ang directive na nagsususpinde sa fare adjustment.

Ayon sa grupo, hindi sila humihingi ng ayuda o subsidy mula sa taxpayers. Ang hinihingi nila ay pamasahe na sapat para matugunan ang tunay na gastos sa pagpapatakbo ng public transport.

Babala ng mga operators, kung patuloy na malulugi ang mga kumpanya, posibleng humantong ito sa mas kaunting buses at trips, mas mahabang waiting time ng commuters, at pagkawala ng trabaho para sa drivers, conductors, mechanics at iba pang transport workers.

Iginiit naman ng industriya na hindi ito banta na titigil sila sa operasyon, kundi babala na maaaring maging mahirap nang ipagpatuloy ang serbisyo kung hindi sasabay ang regulated fares sa aktuwal na gastos.

Kasama sa panawagan ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines, Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigan Bus sa Pilipinas Incorporated, SOLUBOA at Mega Manila Consortium.

Sa ngayon, wala pang tugon si Pangulong Marcos sa pagmamakaawa ng mga bus operators na gumawa ng solusyon ukol sa nangnyayaring mataas na presyo ng langis at maayos na konkreto. | BChannel News