Opens in a new tab
Skip to content
Livelihood

Employers, dapat may hakbang kontra sa mapanganib na air quality ayon sa DOLE

May bagong guidelines ang Department of Labor and Employment o DOLE para maprotektahan ang workers laban sa health risks na dulot ng poor air quality.

Sa Labor Advisory No. 15, Series of 2026, na nilagdaan ni Labor Secretary Francis N. Tolentino noong September 18, inaatasan ang private-sector employers na gamitin ang Hazard Identification, Risk Assessment, and Control o HIRAC para matukoy at mabawasan ang panganib sa workplace.

Gagamitin dito ang Air Quality Index Matrix and Action Points o AQIMAP mula sa DENR at DOH.

Kapag umabot sa dangerous level ang air quality, dapat magbigay ng kinakailangang PPE, ayusin ang ventilation, limitahan ang outdoor work, at ipaalam sa workers ang health risks.

Kung magiging extremely hazardous naman, maaaring ikonsidera ang flexible work at pagsususpinde ng non-essential activities. | BChannel News